MANILA, Philippines — Nakatakdang imbestigahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribado at pampublikong ospital na naniningil ng training fees sa mga nag-aaplay na nurse.
Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III kaya’t magpapadala siya ng mga training inspectors na mag-iikot at mag-iinspeksyon sa lahat ng mga ospital sa bansa.
Hindi anya katanggap-tanggap ang ginagawang paniningil sa mga nurses na nais lamang magkaroon ng trabaho at karanasan.
Ayon naman sa Philippine College of Occupational Medicine Incorporated na kanilang iimbestigahan ang nasabing isyu.