MANILA, Philippines — Umakyat na sa limang katao ang nasawi sa naganap na sunog sa Manila Pavilion na halos mahigit isang araw bago idineklarang fire out.
Magugunita na sumiklab ang sunog kamakalawa dakong alas-9:42 ng umaga na umakyat sa Task Force Bravo na tuluyang naideklarang fireout dakong 10:56 ng umaga kahapon.
Kinumpirma ng mga otoridad ang mga nasawing sina Billy De Castro, Edilberto Braga Evangelista, Marlyn Omadto, John Mark Sabido at Cris Sabido.
Nabatid na under renovation ang 22-palapag na hotel nang maganap ang sunog na may nagsabi kamakalawa na bunga ng isinasagawang welding subalit mariing itinanggi ng management ng Manila Pavilion ang mga ulat kabilang ang sinasabing walang nakitang gumanang sprinkler system kaya hindi agad naagapan ang sunog.