^

Police Metro

Duterte tutol sa diborsiyo

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pang-masa
Duterte tutol sa diborsiyo
Ayaw sanang magbigay ng pahayag si Pa­ngulong Duterte sa isyu ng divorce pero dahil natapos na naman ang botohan sa Kamara kung saan ay pumasa na ito sa 2nd reading ay nais ipabatid nito ang kanyang pagtutol sa panukalang batas.
Presidential Photo/Albert Alcain

MANILA, Philippines — Tutol si Pangulong ­Rodrigo Duterte na ipasa ang divorce bill sa Kamara.

Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing sa Camarines Sur Polytechnic College.

Ayaw sanang magbigay ng pahayag si Pa­ngulong Duterte sa isyu ng divorce pero dahil natapos na naman ang botohan sa Kamara kung saan ay pumasa na ito sa 2nd reading ay nais ipabatid nito ang kanyang pagtutol sa panukalang batas.

Wika pa ni Roque, ang inaalala ni Pangulong Duterte kapag nagkaroon ng divorce sa Pilipinas ay ang mga bata gayundin ang mga maybahay ang apektado.

“President Duterte is against divorce. Makakasira ito sa pundasyon ng pamilya. Kawawa yung mga anak kapag nagkaroon ng divorce,” dagdag pa ni Roque.

Idinagdag pa ni Sec. Roque, paano pa makakapaghabol at makakapag-demanda ang mga maybahay laban sa kanilang mga mister na nagpabaya kung magkakaroon ng divorce sa bansa kaya tutol dito ang Pangulo.

Magugunita na nakalusot sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang divorce bill na akda ni Albay Rep. Edcel Lagman at inaasa­hang makakapasa rin ito sa Senado.

Samantala, hinikayat ni House Senior Deputy Minority Leader at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga kasamahang kongresista na huwag nang aprubahan sa ikatlo at hu­ling pagbasa ang absolute divorce and dissolution of marriage bill.

Ito ay matapos na bawiin ni Pangulong Duterte ang suporta sa divorce bill na isinusulong sa Kamara.

Anya, ngayong nabasa na ng mga kongresista ang nasa isip ng Pangulo ay huwag nang ituloy ang nakatakdang botohan sa plenaryo para sa divorce bill sa ikatlo at huling pagbasa ngayong linggo.

Dahil kahit na aprubahan sa Mababang Kapulungan ay hindi na pi­pirmahan ng Presidente ang nasabing panukala para sa diborsyo.

DIVORCE BILL

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with