16-anyos na buntis, ginahasa ng biyenan

MANILA, Philippines — Inaresto ang isang 57-anyos na lalaki nang ireklamo ito ng rape ng manugang nitong 16-an­yos na dalawang buwan buntis na nangyari sa loob ng kanilang bahay noong Linggo ng madaling araw sa Navotas City.

 Ang suspek na kinasuhan ng rape sa Navotas-Malabon Prosecutor’s Office ay kinilalang si Loreto Dalanga, obrero, ng No. 13 Waling-Waling St., Brgy. Tanza, ng naturang lungsod.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Sally na una siyang ginahasa ng biyenan nitong Marso 8 dakong alas-12:00 ng hatinggabi habang wala ang kanyang kinakasama.

Dahil sa pananakot ay nagpasya si Sally na huwag na lamang isumbong sa kanyang menor-de-edad din na kinakasama ang pang-aabuso sa kanya.

Muli na namang siyang ginapang nitong Marso 11, dakong ala-1:00 ng madaling araw pero hindi ito natuloy dahil katabi na sa pagtulog ang kanyang partner. 

Hindi naman naituloy ng suspek ang maitim na intensyon nang magising ang partner ng biktima para magpambuno ang mag-ama.

Isinumbong ng biktima kasama ang ina sa pulisya at naaresto ang suspek.

Show comments