Inmates ng Manila City Jail nagkakasakit na

Sa kasalukuyan ay mahigit 5,400 ang nakakulong sa Manila City Jail na labis-labis ang bilang sa 1,100 na ideal capa­city lamang nito. File

MANILA, Philippines — Dinadapuan ng iba’t ibang sakit tulad ng pigsa, bungang araw, hypertension at tuberculosis ang mga preso ng Manila City Jail ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay Sr. Inspector Jay Bustinera, MCJ spokesperson nasa 120 ng inmates ang nagka-hypertension at isa sa mga ito ay nasawi habang 2 naman ang na-stroke.

Inihiwalay na ng selda ang mga preso na may sakit upang hindi magkahawaan.

Sinabi naman ni Bustinera, may proseso na dapat sundin kung sakaling kailanganing dalhin sa ospital ang isang inmate na may malala nang kondisyon.

Sa kasalukuyan ay mahigit 5,400 ang nakakulong sa Manila City Jail na labis-labis ang bilang sa 1,100 na ideal capa­city lamang nito.

Show comments