Hepe ng Highway Patrol, 3 pa dinakip sa kotong

Ang mga suspek ay nasakote bandang alas-6:15 ng gabi ng pinagsanib na mga elemento ng PNP-CITF at Iligan City Police Office sa aktong tinatanggap ang P3,000 marked money mula sa driver ng behikulo na inisyuhan nila ng traffic citation pero lingid sa mga ito ay mga operatiba na matagal ng naniniktik sa kanilang illegal na operasyon.
File

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga ­elemento ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) sa isang entrapment operation ang isang hepe ng  traffic enforcers at tatlo nitong kasamahan kamakalawa ng gabi sa Iligan City, Lanao del Norte.

Ang mga inarestong suspek ay kinilalang sina Sr. Inspector Rolando Rigat, Chief ng Iligan City Highway Patrol Team (ICHPT) ng Regional Highway Patrol Unit (RHPU) 10 SPO2 Crisanto Bernardo, traffic enforcer; Mac Harvey Abad at Sidney Cañete; pawang agent ng Highway Patrol Group (HPG) Au­xiliary .

 Ang mga suspek ay nasakote bandang alas-6:15  ng gabi ng pinagsanib na mga elemento ng PNP-CITF at  Iligan City Police Office sa aktong tinatanggap ang P3,000 marked money mula sa driver ng behikulo na inisyuhan nila ng traffic citation pero lingid sa mga ito ay mga operatiba na matagal ng naniniktik sa kanilang illegal na operasyon.

Ang naturang marked money ay narekober sa comfort room ng hepe ng ICHPT matapos na tangkain ng opisyal na i-flush ang pera sa inidoro.

Narekober din mula sa mga ito angP 5,000.00 na nakalagay sa drawer ng nasabing hepe ng ICHPT na pinaniniwalaang bahagi ng kinita ng mga ito sa pangongotong.

Isinagawa ang ope­rasyon matapos na makatanggap sila ng reklamo mula sa Citizens Complaint Hotline 888, Office of the  President mula sa mga motorista na bumibiyae sa kahabaan ng Macapagal highway  sa Iligan City.

Show comments