2,000 kababaihang buntis may HIV/AIDS
MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa humigit kumulang sa dalawang libong kababaihan na buntis sa buong bansa ang nagpositibo sa nakakahawang sakit na HIV/AIDS.
Ito ang inihayag at ikinaalarma ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, chairman ng House Committee on Women and Gender Equality na batay sa datos umano ng Department of Health (DOH) na mula 2012 hanggang 2017 ay umabot na sa 1,733 mga Pinay ang may sakit sa HIV/AIDS.
Sa kabuuang bilang na ito, 224 ang mga buntis at 38 na ang bilang ng mother to child transmission.
Dapat anya, na ang mga dalaga at may asawang mga kababaihan ay magkaroon ng kaalaman at ibat ibang paraan para sa kanilang personal na depensa at gamot konta HIV.
Hiniling, ni Herrera-Dy sa DOH na tutukan ang kaso ng HIV/AIDS lalo sa mga lugar na may mataas na kaso gayundin sa DSWD na tulungan ang mga kababaihan na nasa ganito nang sitwasyon.
- Latest