^

Police Metro

BOC nakasabat ng P8.9-M sigarilyo, paputok

Doris Franche-Borja - Pang-masa
BOC nakasabat ng P8.9-M sigarilyo, paputok
Iprinisinta sa media ni Bureau of Customs Commis­sioner Isidro Lapeña ang mga nasabat na paputok kahapon sa Port of Manila. Bukod dito ay nakakumpiska rin ng mga sigarilyo mula sa China na nagkakahalaga ng P8.98 milyon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P8.98 milyon halaga ng sigarilyo at mga paputok ang nasabat ng Bureau Of Custom ang mga sa Port of Manila.

Ang mga kontrabando ay lulan ng dalawang 40-footer vans na galing sa China na hindi ideneklarang sigarilyo at paputok  ay naka-consign sa Paragon Platinum International Trading Corporation na may tanggapan sa unit 108, The Centennial Bldg., 375 Escolta St., Binondo,  Maynila. 

Isang Bernandine Miranda ng 3034 Bagac St., Manuguit, Tondo, Manila ang natukoy na customs broker ng nasabing kargamento.

Dumating sa bansa ang shipment noong February 21 na idineklarang mga brackets ngunit sa pagsusuri ay natuklasan na kahun-kahon ng mga sigarilyo.

Isa ring shipment na naka-consign sa Power Buster Marketing na may tanggapan sa Baria Compound, Paradahan 1, Tanza, Cavite na dumating noong  February 27 na nadiskubreng kahun-kahon ng fireworks imbes na sapatos o footwear.

BUREAU OF CUSTOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with