Ronald Dela Rosa tututukan pa ang internal cleansing

Inihayag ni Dela Rosa na upang matuldukan ang problema laban sa rogue cops ay arestuhin ang mga ito at patalsikin sa serbisyo. PNP PIO/File
MANILA, Philippines — Sa “indefinite extension” na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ay lalo pang tututukan nito ang “internal cleansing” laban sa mga police scalawags.
Ayon kay Dela Rosa, hindi niya nais na iwan ang “unfinished business” na maglinis sa hanay ng kapulisan bukod pa sa pinalakas na giyera kontra droga.
Inihayag ni Dela Rosa na upang matuldukan ang problema laban sa rogue cops ay arestuhin ang mga ito at patalsikin sa serbisyo.
Una nang binuo ni Dela Rosa ang PNP Counter Intelligence Task Force upang tumugis at magparusa sa mga pasaway na parak na nasasangkot sa illegal na aktibidades.
Si Dela Rosa, produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1986 ay dapat nagretiro na sa serbisyo noong Enero 21 ng taong ito sa pagsapit sa compulsory age retirement sa gulang na 56-anyos .
Gayunman ay pinalawig pa ni Pangulong Duterte ang termino nito hanggang Abril 24 ng taong ito pero muling binigyan ng ‘indefinite extension’.
- Latest