Presyo ng NFA rice P27 pa din per kilo

MANILA, Philippines — Mananatili at hindi magbabago sa P27 kada kilo ang ibinebentang bigas ng National Food Authority (NFA) para sa regular-milled rice (RMR)  at 32 kada kilo ng well-milled rice (WMR) .

Ito ang inihayag ni NFA administrator Jason Aquino upang mapanatili ang food security at stabilization functions ng ahensiya para sa mamamayan.

Binigyang diin ni Aquino na walang plano ang NFA na mabago ang halaga ng bentahan ng NFA rice sa bansa at bago anya ito mangyari ay kailangang may ipalalabas na desisyon ang NFA council hinggil dito.

Show comments