^

Police Metro

3 rapist ng menor, nasakote

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlo sa limang suspek na nanghalay sa isang babaeng menor de edad ang nasakote ng pulisya sa Northville 3, Brgy. Bayugo, Meycauayan City, Bulacan, kamakalawa.

Ang tatlong suspek ay kinilalang sina Jeremieh Brusola, 18, estudyante ng Brgy. Bayugo ng lungsod at dalawa pang kabataan na 16-anyos at 13-anyos na Grade 7 student.

Sa ulat, ang biktima ay inimbitahan ng kaniyang mga kaibigan na mag-hangout sa Northville Brgy. Bayugo at nakipag-inuman sa mga suspek.

Matapos makainom ng dalawang basong alak ay nakaramdam nang pagkahilo ang dalagita at dito ay halinhinan siyang ginahasa ng limang mga suspek kabilang ang tatlong naaresto.

Matapos ang panghahalay ay iniwan ang biktima na paika-ikang umuwi sa bahay at isinuplong sa ama ang kanyang sinapit sa kamay ng limang suspek.

Inireport ng ama ang pangyayari sa pulisya at sa tulong ng mga opisyal ng barangay ay nasakote ang tatlo sa mga suspek habang pinaghahanap ang dalawa pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with