^

Police Metro

3 timbog sa baril at shabu

Boy S. Cruz - Pang-masa
3 timbog sa baril at shabu

Inimbentaryo ng tauhan ni P/Supt. Ferdinand Germino ng 1st Provincial Mobile Force Company ang narekober na baril at shabu mula sa suspek na si Jhunny Torres. Kuha ni Boy S. Cruz

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang tatlong kalalakihan matapos na maaresto ang mga ito sa bisa ng search warrant ng hukuman sa mga lugar sa tatlong bayan sa Bulacan Huwebes ng umaga na nagresulta sa pagkakarekober ng mga baril at iligal na shabu.

Kasalukuyan nang nakadetine at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso ang mga suspek na sina Jhunny Torres, 28-anyos residente ng Brgy. Dampol 2nd-A, Pulilan, Apolinar Cabalquinto, 61, barangay tanod, residente ng Brgy. Bulihan, Plaridel at Ernesto Esquilona security supervisor at residente ng Catajan Compound, Brgy. Loma De Gato sa Marilao.

Ayon sa pulisya dakong alas-6:10 ng umaga unang isinagawa ang paghalughog sa loob ng bahay ni Torres sa Brgy. dahil sa ipinalabas na search warrant ni Hon. Judge Ma. Victoria Fernandez-Bernardo ng RTC Br.18 sa Malolos City saka nasamsam dito ang isang .38 revolber, mga bala at 7 sachet ng shabu.

Kasunod nito ay inaresto din ang tanod na si Cabalquinto dahil sa pagtataglay ng isang .45 kalibre, isang 12 gauge shotgun at mga bala nito na parehong walang kaukulang dokumento habang timbog naman ang bisor na si Esquilona sa kanyang bahay sa Brgy. Loma De Gato, Marilao dahil sa itinatagong .38 revolber na walang lisensya.

ARRESTED

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with