Engineer dinukot ng Sayyaf

Ang binihag ay kinilalang si Engineer Enrico Nee, nakatalaga sa mga ginagawang proyekto sa lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Isang engineer ng lokal na tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dinukot ng mga pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Say­yaf Group (ASG) sa Brgy. Upper San Raymundo, Jolo, Sulu kahapon.

Ang binihag ay kinilalang si Engineer Enrico Nee, nakatalaga sa mga ginagawang proyekto sa lalawigan.

Sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga ay umalis ng bahay ang biktima patungo sa kanyang trabaho at pa­sakay na sana sa jeep nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad tinutukan ng baril.

Hindi na nakapanlaban ang biktima at puwersahang tinangay gamit ang jeep sa pagtakas patungo sa Brgy.Anuling sa direksyon ng Patikul, Sulu na kilalang balwarte ng mga Abu Sayyaf.

Umaabot na sa siyam katao ang hawak na mga bihag ng Abu Sayyaf sa lalawigan kabilang ang ilang mga dayuhan.

Show comments