Family problem ugat sa pagkadismis ng maraming pulis

Batay sa tala, simula nitong nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan ay umaabot sa mahigit 300 pulis ang nasibak sa serbisyo kaugnay ng pagkakasangkot sa samutsa­ring mga katiwalian. File

MANILA, Philippines — Problemado sa kanilang pamilya ang ugat ng pagkasibak sa serbisyo ng 85% mga pulis.

Ito ang inihayag kahapon ni NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Rogelio Casurao sa pagbisita nito sa Camp Crame kahapon.

“Karamihan, kapag ang pulis ay  nasasangkot sa hindi tamang gawain, when you look back, when you trace back, makikita mo somehow  na nagkaroon ng problema ang pamilya niyan, saad pa ni Casurao na iginiit na lalo na umano sa mga nasangkot sa droga.

Batay sa tala, simula nitong nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan ay umaabot sa mahigit 300 pulis ang nasibak sa serbisyo kaugnay ng pagkakasangkot sa samutsa­ring mga katiwalian.

Show comments