^

Police Metro

Bagon ng MRT-3 nagliyab

Pang-masa
Bagon ng MRT-3 nagliyab

Nagliyab kahapon ng tanghali ang isang bagon ng MRT-3 habang bumibiyahe ito sa pagitan ng Araneta Center at GMA Kamuning station sa lungsod ng Quezon kung saan daan-daang mananakay ang muling naperwisyo. -Kuha ni Boy Santos-

MANILA, Philippines — Nabulabog at nagpanik ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) 3 nang biglang umusok at nagliyab ang isang bagon nito habang bumibiyahe sa pagitan ng Araneta Center at GMA Kamuning Station sa Cubao, Quezon City kahapon ng hapon.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, dakong ala-1:42 ng hapon nang maganap ang ‘smoke emission’ sa southbound track ng tren dahilan upang huminto at muling maantala ang biyahe nito.

Napilitan namang magsibaba ang mga dismayadong mananakay na naglakad sa tabi ng riles patungo sa Araneta Center-Cubao Station.

Naapula naman ng mga rumespondeng bumbero  ang apoy na nagmula sa ‘electronic components’ ng isa sa mga bagon dakong alas -2:15  ng hapon.

Bunga nito ay naantala ang biyahe ng tren at nilimitahan  na lamang sa 12 tren mula Taft Avenue Station hanggang Shaw Boulevard, Mandaluyong City; pawang sa northbound at southbound tracks.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with