Barbero sinaksak ng gunting ang kasero

Insidente sa barbershop
Stock photo

MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) nang saksakin ito ng isang barbero na nangungupahan sa kanyang bahay matapos na tumanggi na magbayad ng renta, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Ang biktima na patuloy na inoobserbahan sa

Tondo Medical Center dahil sa tama ng saksak sa leeg at katawan ay kinilalang si Christopher David, 42, residente ng Block 32 Lot 25 Phase 1A Banak St., Brgy. North Bay Boulevard South.

Agad namang nadakip ang suspek na si Eddie Maat, barbero, nasa hustong gulang at nangungupahan sa isang kuwarto sa bahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi nang magtalo ang biktima at ang suspek na noon ay lasing ukol sa hindi nito pagbabayad ng kanyang buwanang renta na matagal nang atrasado. 

Nagkapikunan ang dalawa hanggang sa maglabas ng gunting ang suspek at pagsasaksakin ang biktima.

Narinig naman ng ina ng biktima ang ingay kaya sinilip niya ang unang palapag ng at nakita ang duguang anak na dinala nya sa nasabing pagamutan.

 Nahuli habang natutulog sa loob ng inuupahang kuwarto dahil sa kalasingan ang suspek at nakumpiska ang gunting na ginamit nito sa pananaksak.

Show comments