^

Police Metro

No elections sa 2019, posible-Alvarez

Gemma Garcia at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posible anyang walang maganap na midterm elections sa 2019 kung magtatagumpay ang Kongreso sa pagpapalit ng porma ng gobyerno.

Ito ang pag-amin ni House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay kanilang tatalakayin sa Kamara ang panukala at ibaba sa publiko sa pamamagitan ng referendum ngayong Mayo ang nasabing isyu kasabay na rin ng planong barangay elections.

Naniniwala si Alvarez na ang Kongreso ay dapat vote jointly sa isyu kung paano magkakaron ng botohan ang dalawang Kapulungan ng Kongreso sa pag-amyenda sa Kons­titusyon.

Sinabi ni Alvarez na lahat ay posibleng mangyari sa 2019 kabilang na dito ang no-el scenario lalo na kapag nag-shift na sa porma ng gobyerno mula sa unitary patungo sa federal dahil magkakaroon muna ng transition government.

Sakaling maaprubahan naman ng tao sa pamamagitan ng referendum ang panukalang federal form of government ay mas magandang ipatupad ito ng 2022 dahil tapos na lahat ng termino ng mga Senador.

Samantala, siniguro ni Presidential Spokesman Harry Roque na matutuloy ang 2019 elections hanggang hindi naaamyendahan ang Konstitusyon sa kabila ng palutang ni Alvarez na no-election scenario.

Pero para naman kay Senate President Koko Pimentel ay puwede namang matuloy ang eleksyon kahit mangyari ang transition kung sakaling maisulong at maaprubahan ang federal system.

Idinagdag pa ni Roque, ipinauubaya ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang desisyong ito dahil ang tungkulin naman ng Pangulo ay ipatupad lamang ang Konstitusyon at ang umiiral na batas.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with