Tserman galing party, itinumba

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin ng  dalawang gunmen na nakamotor kahapon ng madaling araw sa JP Rizal St., Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Brgy. 104 Chairman Randy Reyes, nasa hustong edad nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Nasugatan ang tricycle driver na si Rodel Mariano na nagtamo ng dalawang tama sa tagiliran matapos na barilin din ng mga suspek.

Sa inisyal, dakong ala-1:00 ng madaling araw ay  katatapos lang  ng Christmas party sa lugar at nagpapa­hinga sa kanto ng Lallan St., si Reyes at Mariano  nang  sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at agad na pinagbabaril ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang chairman ang  motibo nang pagpatay kay Reyes.    

Show comments