7 ‘tulak’ timbog sa buy-bust
MANILA, Philippines — Kalaboso ang pitong katao na umano’y ‘tulak’ ng droga sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Quezon, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Wilmer Vingco, 31; Renz Ardaniel, 30; Joselito Bonaobra, 36; Bryan Ponce, 34; Frankie Narvaja, 41, Fernando Cruz, 44 at Michael Soriano, 37.
Dakong alas-12:30 ng madaling araw nang unang nadakip sina Vingco, Ardaniel, Bonaobra, Ponce, Narvaja at Cruz ng mga tauhan ni QCPD Station 1 Supt. Robert Sales, sa Brgy. Sto. Domingo.
Habang si Soriano ay inaresto dakong alas-4:00 ng madaling araw ng mga tauhan ni QCPD station 8 Supt. Ariel Capocao sa Burgos at Aurora Blvd., Brgy. Project 4.
Nabawi mula sa pito ang nasa P100,000 halaga ng droga, marked money at ibat-ibang drug paraphernalia.
Sinabi naman ni Gen. Eleazar, ngayon ibinalik na sa PNP ang kampanya ng pamahalaan kontra sa droga, katuwang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay lalo nilang paiigtingin ang kanilang pagtugis sa lahat ng hindi pa tumitigil na drug pusher sa lungsod.
- Latest