^

Police Metro

Lider ng Piston inaresto

Mer Layson, Angie dela Cruz - Pang-masa
Lider ng Piston inaresto

Nag-finger print si Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) National President George San Mateo matapos maaresto ng Quezon City Police District (QCPD) station 10 sa kasong Anti-Public Service Act. Boy Santos

MANILA, Philippines — Bago pa makapag­lagak ng piyansa si George San Mateo, pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide sa Quezon City Hall of Justice ay ina­resto ito ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng tanghali.

Si San Mateo ay lu­mabag sa Section 20 of the Commonwealth Act No.146 o Public Service Act kaugnay ng kanilang isinagawang transport strikes noong Pebrero 27,2017 para tutulan ang Jeepney Modernization Program ng pamahalaan at magpipiyansa sana ito ng P4,000 dakong ala-1:30 ng hapon sa Quezon City  Metropolitan Trial Court Branch 43 Judge Don Ace Mariano Alagar.

Hindi na pinahintulutang makapasok sa gusali ng Hall of Justice si San Mateo nang siya ay arestuhin ng mga otoridad ng QCPD station 10  at dalhin sa  Kamuning police station.

Ayon kay Atty. Vicente Jaime Topacio, abogado ni San Mateo, isa lamang minor offense at bailable ang kinakaharap na kaso ng kanyang kliyente, pero hindi umano nirespeto ang karapatan nito na magpiyansa sa halip ay inaresto pa.

Makaraang sumailalim sa ‘proper procedure’ ay pormal nang nakapaglagak ng piyansa si San Mateo at ilang oras lang ay pinalaya na rin ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with