^

Police Metro

Militante, pulis nagsalpukan

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pang-masa
Militante, pulis nagsalpukan

Ang ma-aksyong salpukan kahapon ng mga militante at anti-riot police sa Taft Ave. sa Maynila. Miguel de Guzman

Kilos protesta sa Asean Summit…

MANILA, Philippines — Nauwi sa gulo at nagresulta sa pagkasugat ng may halos 80 katao ang matensyong pagra-rally ng mga militante nang pilitin ng mga ito na makalusot at makalapit sa US Embassy makaraang pigilin sila ng mga anti-riot police, sa Taft Ave. sa kanto ng Padre Faura St., sa Maynila kaugnay ng pagsisimula ng 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit kahapon.

Nasa 6 na pulis ang gi­namot ng Manila Police District (MPD) medical team habang ilang demonstrador ang nasaktan at bumagsak nang maipit sa tulakan, batuhan at balyahan kasunod ng pambobomba ng tubig ng mga bumbero dakong alas-10 ng umaga.

Humupa ang tensiyon nang sabayan ng Long Range Acoustic Device (LRAD) ng kapulisan, ang malakas at nakatutulig na tunog, ang pagbomba ng tubig ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Personal namang ­inalam nina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde at MPD Dir. Joel Napoleon Coronel ang kalagayan ng mga nasugatang pulis, na ayon sa kanila ay pawang minor injuries lang ang tinamo.

Itinuloy pa rin ang programa ng mga demonstrador hanggang sa sunugin pa nila ang 13 talampakang effigy ni US President Donald Trump, sa Taft Avenue southbound lane, sa tabi ng Korte Suprema.

Nasa humigit kumulang sa 2 libo ang mga raliyista ayon sa pulisya habang ang pagtaya naman ng grupo ng raliyista ay nasa 15 hanggang 20 libo sila.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with