MANILA, Philippines — Isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) ang pinagbabaril ng motorcycle riding in tandem criminals sa naganap na ambush sa Poblacion Proper, Arakan, Cotabato kahapon ng umaga.
Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Edgar Arana, 57, hepe ng Department of Agriculture sa bayan ng Arakan.
Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang kahabaan ng national highway ng Sitio Napanlaban, Poblacion Proper nang ito ay sundan ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.
Pagtapat ng mga suspek sa biktima ay agad nilang itong pinagbabaril na naging dahilan para tumilapon ang huli.
Pagbagsak ng biktima ay nilapitan pa ito ng mga suspek at muling pinagbabaril upang masigurong hindi na ito mabubuhay pa.