50 pamilya nasunugan sa Paco

Ang naganap na sunog sa Paco, Maynila kahapon ng umaga kung saan nasa 50 pamilya ang nawalan ng tahanan. Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 50 pamilya ang nawalan ng tahanan sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Fire Department, dakong alas-8:58 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Rosalinda Aboleda na matatagpuan sa no. 1238 H. Santiago St., kanto ng Pedro Gil St.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa pawang gawa sa kahoy ang mga bahay at nahirapan na apulahin ng mga bumbero ang sunog dahil sa kinakailangan pang tumawid ng creek at idineklarang nasa ika-4 na alarma ang sunog.

Umabot sa 20 bahay ang naapektuhan kung saan nakatira ang nasa 50 pamilya at masuwerteng walang naitalang nasaktan o sugatan sa sunog na tinatayang napinsala ang nasa  P100,000 halaga ng mga ari-arian na idineklarang under control pasado alas-8:00 ng umaga.

Show comments