^

Police Metro

DU30 sinibak ang 2 PNP ‘Narco-General’

Malou Escudero at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggal  na sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang general ng Philippine National Police (PNP)  na umano ay sinasabing kabilang sa mga tinatawag na “narco-generals”.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella matapos na pirmahan ng  Office of the Executive Secretary noong Huwebes ang kasulatan sa pagsibak sa serbisyo nina dating National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Joel Pagdilao at dating  Quezon City Police District (QCPD) head Chief Supt. Edgardo Tinio.

Sinabi ni Abella na ang pagsibak  sa serbis­yo sa  dalawang police general  ay napatunayang “administrative liable” dahil sa iregularidad at pagpapabaya sa kanilang tungkulin.

“Evidence shows both generals deliberately refused, without cause, to perform their duties as police officers, resul­ting in the proliferation of drug in their areas of jurisdiction,” wika ni Abella sa isang  news conference sa Malacañang kahapon.

Ang pagsibak sa mga nasabing opisyal ay base na rin sa pangako ng Pa­ngulo na tiyaking masasawata ang krimen at korapsiyon sa bansa.

May mga ebidensiya rin aniyang nagpapakita na sinadya ng dalawang heneral na huwag gawin ang kanilang trabaho kaya kumakalat ang ilegal na droga sa nasasakupan nilang lugar.

Magugunita na noong nakaraang taon ay isinapubliko ni Pangulong Duterte na sina Pagdilao at Tinio ay protektor ng droga at kasama din sina Chief Supt. Bernardo Diaz at mga nagretirong sina Chief Superintendents Vicente Loot at  Marcelo Garbo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with