Sunog sa Las Piñas: 60 pamilya nawalan ng bahay

MANILA, Philippines — Nasa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin ng malaking apoy ang nasa 30 kabahayan na umabot ng dalawang oras kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Sa report ng imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Las Piñas City dakong alas-9:30 ng umaga nang magsimula ang sunog sa isang bahay na pag-aari ng pamilya Lambino sa panulukan ng Joshua at Chronicle Sts., Phase 2, Merville, Brgy. Manuyo Dos ng nasabing lungsod.

Dahil pawang gawa sa light materials, mabilis na  kumalat ang apoy at nilamon ang mga katabing bahay.

Nabatid,  na umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at alas-11:00 kahapon ng umaga nang ideklara itong fire out.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa natu­rang insidente.

Ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog ay pansamantalang nananatili muna sa multi-purpose habang wala pang malilipatan.

 

Show comments