^

Police Metro

3 dedo 22 arestado sa Double Barrel

Boy S. Cruz - Pang-masa
3 dedo 22 arestado sa Double Barrel

Nasa larawan ang isa sa tatlong napatay ng pulisya sa patuloy na operasyon ng Oplan Double Barrel Reloaded sa apat na bayan sa lalawigan ng Bulacan. Kuha ni Boy S. Cruz

MANILA, Philippines — Bulagta ang tatlo pang kalalakihan habang 22 katao ang nadagdag sa kalaboso sa pagpapatuloy ng Oplan Double Barrel Reloaded sa apat na bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Jovert “Jojo” Portes 38, porter, residente ng Brgy. Caingin sa bayan ng Bocaue habang kasalukuyan pang inaalam ang tunay na pangalan ng isa sa dalawa pang lalaki na may alyas na “Kulot”, pawang mga residente ng bayan ng Norzagaray.

Batay sa ulat ni P/Supt. Jowen Dela Cruz, dakong alas 8:30 ng gabi ay isang poseur buyer na pulis ang nakipag-deal kay alyas “Jojo” sa pampublikong palengke sa Brgy.Caingin ngunit nakahalata ang suspek.

Pumasok ito sa bahay at kinuha ang armas ngunit naging maagap ang pulisya dahilan upang ito’y mabaril at masawi.       

Napatay din sina alyas “Kulot” at ang kasapakat nito matapos na kumasa sa mga tauhan ni P/Supt. Angel Garcillano sa isang lugar sa Brgy.Partida sa Norzagaray habang nagbebenta ng shabu sa poseur buyer na pulis.        

Kasunod nito ay isinagawa naman ni P/Supt. Fitz Macariola ang magkakasunod na drug bust sa mga lugar sa Brgy. Gaya-Gaya, Brgy.Muzon at Brgy. Mulawin sa San Jose Del Monte City na nagresulta ng 18 katao habang apat naman ang naaresto ni P/Supt.Jacqueline Puapo sa Dalawang lugar sa Brgy. Taliptip at Brgy. Perez sa Bulacan.

Narekober sa mga operasyon ang isang .38 rebolber, dalawang sumpak, mga bala, 49 sachet ng shabu, dalawang pakete ng marijuana, digital weighing scale, ibang pang drug paraphenalias at P3,000 marked money.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with