^

Police Metro

Pamilya ng mga witness sa Kian case may proteksyon

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pang-masa
Pamilya ng mga witness sa Kian case may proteksyon

Sinamahan kahapon ni PAO chief Persida Acosta ang mag-asawang Saldy at Lorenza delos Santos, magulang ng napatay na si Kian noong Agosto 16, kasama ang ilang witnesses sa Caloocan Police upang maghain ng kasong murder laban sa tatlong pulis na sangkot sa naturang pamamasalang. Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines - Maaaring bigyan ng proteksyon ang pamilya ng mga testigo sa kaso ni Kian Delos Santos.

Ito ang sinabi ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, na layunin ay matiyak ang kaligtasan ng buong pamilya ng mga tumutulong sa imbestigasyon.

Aniya, prayoridad nila ngayon ang seguridad ng pamilya ni Kian lalo pa’t may ilang grupo na nais na makisawsaw sa isyu.

Una rito, napagsabihan ng ilang senador si Aguirre at isang Caloocan prosecutor dahil sa mga premature statement ng mga ito sa kaso ni Kian.

Samantala, welcome naman sa PNP ang pagsasampa ng kaso laban sa tatlong police Caloocan na sina PO3 Arnel Oares, PO1s Jeremias Pereda at Jerwin Cruz na umano’y pumatay kay Kian.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, sa ganitong paraan ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga pulis na makapag-presinta ng kanilang ebidensiya sa korte at maipagtanggol ang mga alegasyon laban sa kanila.

Iginiit naman ni Carlos na hindi kukunsintihin ng liderato ng PNP ang anumang masamang ginagawa ng kanilang mga miyembro at mananatili pa rin umanong inosente ang sinumang police personnel na maaakusahan maliban na lamang kung sabihin ng korte na guilty sila sa kaso kaya dapat pa rin igalang ang kanilang karapatan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with