^

Police Metro

Tuldukan ang korapsyon sa Customs

Malou Escudero at Ellen Fernando - Pang-masa

Du30 kay Lapeña...

MANILA, Philippines - May tiwala si Pangulong Rod­rigo Duterte sa bagong hepe ng Bureau of Customs na si Isidro Lapeña na matutuldukan ang korupsiyon at bulok na sistema ng ahensiya.

“The Bureau of Customs has a rotten system. You need somebody to have a system there. A new one and a competent military man can do it just like General Lapeña. Kaya niya ‘yan. General Lapeña enjoys my confidence and trust, which is very important. Otherwise, we go back to the same old problem,” pahayag ni Duterte.?

Idinagdag pa ni Duterte na ipauubaya rin niya kay Lapeña kung nais nitong magsagawa ng malawakang reorga­nisasyon sa ahensiya.

Si Lapeña, ang kasalukuyang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ay papalitan ni PNP Region 3 Regional Director Chief Superintendent Aaron Aquino.

Samantala, hinamon ni Senador Ralph Recto ang bagong talagang hepe ng BOC na abutin nito ang P1.28 bilyong “daily collection goal” ng bureau.

Dapat anya, wala nang oras para kay Lapeña na mag-on the job training (OJT) at kailangang tutukan nito ang pag-abot sa tina-target na koleksyon ng BoC.

Ipinunto ni Recto na pangunahing misyon ni Lapena bilang BoC chief ay himukin at pangunahan ang may 3,031 empleyado ng bureau na nagsisilbing ikalawang pinakamala­king revenue earner upang makamit ang collection target na P468 bilyon ngayong taon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with