MANILA, Philippines - Umaabot sa 3,677 barangay sa buong bansa ang idineklarang drug free.
Ito ang inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro S. Lapeña, matapos ang pagpapalabas ng isang certification ng miyembro ng Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program.
Ang Oversight Committee, na pinamunuan ng PDEA, at kinabibilangan ng provincial representatives DILG, ang Philippine National Police (PNP), Department of Health (DOH) at ang local government units.
“Bago ang pagdedeklara na ang isang barangay ay free mula sa illegal drug activities, ang committee ay magpupulong para ivalidate ang non-availability ng drug supply sa lugar at ang kawalan ng pagdadala ng droga, clandestine drug laboratory at chemical warehouse, pagtatanim ng marijuana, drug den, drug pusher at user,” sabi pa ni Lapeña.
Dagdag ni Lapeña na sa 20,104 o 47.83 porsiyento ng kabuuang barangay sa bansa ay apektado ng droga.
Sa mga nasabing barangay 68.5 percent o 13,782 ay itinuring na bahagyang naapektuhan, 30.4 percent o 6,114 barangays ay katamtaman, habang ang nalalabing isang porsiyento o 208 barangays ay seryosong apektado.
Ang National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na rate ng barangay drug-affectation na 97.3 percent, kasunod ang Region XIII at 86.58 percent at Region VII na 82.75 percent. Ang rehiyong nangunang apektado ng mapanganib na droga ay ang Cordillera Administrative Region (CAR) na 3.49 percent.
Noong June 2, 2017, ang Batanes ay nakakuha ng distinction sa pagiging pinaka-unang probinsya na iprinoklamang drug-free.