^

Police Metro

Ipapatapon sa Marawi City... 2 pulis na nanggulpi ilalaban sa Maute

Joy Cantos at Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanggagalaiti sa galit si PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa dalawang PO1 na pulis na naging viral ang video sa social media matapos na hatawin ng yantok at tinutukan pa ng baril ang dalawang lalaking kanilang inaresto dahil sa paglabag sa City ordinance.

Pinasibak ni Dela Rosa sa puwesto sina PO1s Jose Julius Tandog at Chito Enriquez na pawang nakatalaga bilang barangay patrol sa Brgy. San Jose, Mandaluyong City at habang iniim­bestigahan ang kaso ay kinukunsiderang  ipadala ang mga ito sa Marawi City para ilaban sa mga Maute-ISIS.

Agad din sinibak ni EPD Director, Chief Supt.Romulo Sapitula ang da­lawang pulis na dinisarmahan din at kinuha ang kanilang badge matapos din mapanood ang video.

Iniutos din ni Sapitula ang pagsasampa ng kasong administratibo at ‘restric­ted’ sa kanilang police station ang dalawang pulis.

Nabatid na noong Martes ng gabi ay inaresto ng dalawang pulis ang dalawang sibilyan na tinukoy lamang sa pangalang Alfred at Allan habang nag-iinuman sa gilid ng kalsada na isang paglabag sa ordinansa sa Mandalu­yong City.

Pinoposasan ng mga pulis ang dalawang sibil­yan pero tumanggi ang mga ito dahil sasama naman sila sa himpilan ng pulisya ngunit nagalit ang mga pulis hanggang pagpapaluin ng yantok sa iba’t ibang bahagi ng katawan at tutukan pa ng baril.

Lingid sa kaalaman ng dalawang pulis na nakuha­nan ng video ang insidente at noong malaman nila na may video footages ay nagmaka awa sa dalawang sibilyan at nangakong sasagutin nila ang gastos sa pagpapagamot at pilit na pinapirma sa isang ‘amicable settlement’.  

Sinabi naman ni Supt. Joaquin Alva, hepe ng Mandaluyong police, kahit nagkaroon ng ‘amicable settlement’ sa magkabilang panig ay tuloy pa rin ang kasong administratibo na kinakaharap ng dalawang pulis.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with