P50-M halaga ng shabu nasamsam sa bahay ng Marawi Vice Mayor
MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga otoridad ang nasa 5 kilong shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon nang salakayin ang bahay ni incumbent Marawi City Vice Mayor Arafat Salic na matatagpuan sa Brgy. Cabingan ng lungsod, kamakailan.
Ayon kay C/Insp. William Santos ng Drug Enforcement Group nasamsam ang nasabing shabu sa gitna ng patuloy na bakbakan sa siyudad sa bahay ng bise alkalde na inabandona ng Maute terrorist group na ginawang staging area.
Ayon sa opisyal, kilalang mga drug lord ang nasabing pamilya kung saan kasama sila sa drug list na inilabas ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang naaresto ang dating Mayor ng lungsod na si Fajad Salic sa kasong rebelyon dahil sa umano’y kaugnayan nito sa mga teroristang sumalakay sa Marawi City at nasamsam din sa bahay nito ang 11 kilong shabu.
Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pinanggagalingan ng suplay ng droga sa Marawi City.
- Latest