^

Police Metro

Maute bomber naaresto sa CDO

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ang isang pinaghihinalaang bomber ng Maute terrorist group nang maharang ito sa Barangay Macasandig,Cagayan de Oro City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni  Brig. Gen. Gilbert Gapay, Spokesperson ng Martial Law (ML) Implementation sa Eastern Mindanao Command  ang nasakoteng suspek na si Mohammad Noaim Maute, 22, gumagamit ng mga alyas na Abu Jadid Romato at Almahid na umano ay pinsan ng Maute bro­thers na sina Omarkhayam at Abdullah Maute na nanguna sa pag-atake sa Marawi City noong Mayo 23.

Sinabi ni Gapay na si Mohammad ay kabilang sa mga personalidad na ipinaaresto kaugnay ng kasong rebelyon sa lungsod ng Marawi na nasa mahigit 3 linggo na sa kasalukuyan.

Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang masakote si Mohammad sa Sta. Cruz, Brgy. Macasandig ng lungsod na ito.

Nakumpiska sa suspek ang isang pekeng identification card ng Mindanao State University (MSU) na nakapangalan sa estud­yanteng si Alfaiz Mamintal na isa ring miyembro ng naturang teroristang grupo.

Sinabi ni Javier na ang suspek ay isang ‘trained bomber’ ng Maute-ISIS terrorists at isang guro sa Arabic na nagtago sa Cagayan de Oro City may dalawang linggo na ang nakalilipas bago ito nasakote.

Pansamantalang ikukulong ang suspek sa detention cell sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Evangelista.

Magugunita na una nang nasakote ng mga otoridad ang mga miyembro ng pamilya ng Maute brothers kabilang ang kanilang ama at ina na sina Cayamora at Ominta Maute, dalawa pang mi­yembro ng kanilang angkan at maging ang supporter na si dating Marawi City Mayor Fajad Salic.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with