5 patay sa lumubog na bangka sa Romblon

MANILA, Philippines - Lima na ang narekober na bangkay nang lumubog ang isang bangkang de motor sa karagatang sakop ng Romblon, kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), bandang alas-12:50 ng hapon nang maganap ang trahedya sa karagatang sakop  ng Barangay Agbudia, Romblon dahil sa sobrang lakas ng hangin na tumama sa M/B Alad Express 2.

Nabatid na alas-9:40 ng umaga nang umalis sa Port of Sibuyan ang M/B Alad Express 2, na may 50 pasahero  patungo sa Port of  Romblon.

Hindi pa man umaabot sa Port of Romblon ang bangka nang lumubog ito sa bisinidad na sakop ng Agbudia, Romblon dakong alas-2:00 ng hapon.

Narekober sa isinagawang search and rescue ope­rations ang limang bangkay na hindi pa tukoy ang pagkakilanlan,44 ang natagpuan at nailigtas habang 1 ang patuloy pang pinaghahanap.

Show comments