^

Police Metro

6 Ilocos official, ipinakulong ng Kamara, Imee ipina-subpoena

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakulong ng Kamara ang anim na  lokal na opis­yal ng Ilocos Norte matapos silang ipa-contempt ni House Majority leader Rodolfo Fariñas sa pagdinig ng House Committee on Good Go­vernment and Public Accountability.

Kasalukuyang nakapiit sa House Legislative Security Bureau sina Josephine Calajate; Genedine Jambaro; Encarnacion Gaor; Eden Battulayan; Evangeline Tabulog, pawang mga empleyado ng Provincial Treasurers Office at Engr. Pedro Agcaoili, Chairman ng Bids and Awards Committee at Head ng Provincial Planning and Development Office.

Ang mga ito ay patuloy na ikukulong sa Kamara hanggang hindi direktang sumasagot sa mga tanong kaugnay ng pagbili ng mini cab noong 2001 gamit ang P66.4 milyon na pondo ga­ling sa Tobacco Excise tax.

Ayon kay Fariñas, hindi maaaring gamitin ang nasabing pondo sa ibang bagay dahil ang itinatakda ng batas ay para lamang sa pagpapaunlad ng industriya ng tabako.

Maging si Commission on Audit Auditor Cornelio Viernes ay ginisa din ng komite dahil sa pagtanggi nito na wala syang naalala na ginawang post audit transaction.

Dahil naman sa tatlong beses na hindi sumisipot sa patawag  ay inaprubahan na rin ni Committee chairman Rep. Johnny Pimentel ang mosyon para isubpoena si Ilocos Norte Governor Imee Marcos para mapilitan siyang humarap sa pagdinig.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with