^

Police Metro

Natalong mayoralty bet ng San Juan inireklamo sa Comelec

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghain kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ang dalawang lehitimong residente ng San Juan City ng reklamong pandaraya sa 2016 elections laban sa talunang mayoralty candidate na si Francis Zamora.

Sa apat na pahinang complaint, iginiit nina Lucila Robles at Veradel Surmieda na lumabag si Zamora sa Omnibus Election Code  sa pamamagitan ng vote buying para iboto siya ng mga botante sa kanilang lugar.

Ito anila, ay sa pamamagitan ng cash na ipinagkaloob sa educational assistance, subalit may kapalit umanong paglagda sa isang papel na sa huli ay natuklasang ang pinirmahan ay petition for recall.

Nang tanungin umano kung bakit may nasa heading na “Petition for Recall”, isinagot lamang umano ng kampo ni Zamora na ang nilagdaan ay para sa “4Ps” o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Bago umano binigyan ng cash ang mga botante ay dumadaan pa sa screening at napipili lamang ang mga pro-Zamora o sumusuporta.

“I’ve been getting educational assistance from the local government through then Vice Mayor Zamora for 3 consecutive years. The set-up last year was different and it was difficult to request for assistance for my grandchild. After getting assistance, I was made to sign a piece of paper. I saw the Petition to Recall on the paper’s heading,” ani  Robles sa reklamo.

Gayundin ang inihayag ni Veradel Surmeida, na nagsabing siya man ay kailangan pang kumuha ng ‘Zamora ID’  para mai-claim ang educational assistance dahil sa ‘No Zamora ID, no assistance’ policy.”

Isang Lily Martinez, kritiko ni Zamora, ang uma­lalay sa dalawang residente para ihain ang reklamo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with