Senado suportado ang pagtanggal ng Calculus at Trigonometry sa curriculum

MANILA, Philippines -  Sinuportahan  ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ng tanggalin ang mga subject na Calculus at Trigonometry sa mga school curriculum.

 Sa talumpati ni Escudero sa pagbubukas ng Higher Education Week Exhibit and Fair, sinabi nito na dapat ng suriin ng CHED ang mga subjects na dapat tanggalin  sa curriculum na hindi naman napapakinabangan.

Inihalimbawa ni Escudero ang subject na Trigonometry at Calculus na kahit isang beses umano ay hindi niya napakinabanggan kahit naging congressman pa siya at naging senador.

Ikinuwento pa ng senador na muntik pa siyang hindi maka-graduate dahil hindi siya halos makapasa sa nasabing dalawang subject.

Pero kung mag e-engineer o kaya ay magsi-scientist ang isang estudyante, maaring i-require ang nasabing dalawang subjects.

Binanggit din ni Escudero na mas mabuti pa ang geometry na napakinabangan niya sa paglalaro ng bilyar.

Pero nilinaw ni Escudero na hindi naman niya tahasang pinatatanggal ang dalawang subject at sa halip ay pinasusuri sa CHED dahil hindi naman ito nagagamit sa trabaho.

Mas pabor si Escudero na ibalik ang subject na GMRC o Good Manners and Right Conduct upang mas maitama ang ugali ng mga mag-aaral.

Nauna rito, mismong si Pangulong Duterte sa isang talumpati noong panahon ng kampanya ay nangako na ipatatanggal sa education curriculum ang Calculus, Trigonometry at maging Algebra at palitan ito ng Business Mathematics.   

 

Show comments