^

Police Metro

Presyo ng gamot para sa anti-cancer, diabetes at hepatitis breast cancer, kokontrolin

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Upang makontrol ang mataas na presyo ng mga gamot para sa breast cancer, Hepa B at diabetes ay  nais ni Senator Juan Miguel Zubiri na maami­yendahan na ang Quality and Affordable Medicines Act.

Ayon kay Zubiri, halos walong taon na ang nakakaraan simula ng maipasa ang batas ay hindi naman ito masyadong naging epek­tibo para bumaba ang presyo ng medisina.

Bagaman at naging mura ang gamot dahil sa pagpasok ng generics, pero nanatili namang mataas ang anti-cancer, anti-diabetes, at anti-hepatitis.

Inihalimbawa ni Zubiri ang isang klaseng gamot na ibinibenta ng isang kompanya na nagkakahalaga sa Pilipinas ng P50 pero sa India ay P5 lamang.

“They just admitted that one product of Pfizer in the philippines, for example one medicine is P50 pesos doon sa India ay P5 ang equivalent, na binebenta rin po ng Pfizer. Bakit naman ganoon? kawawa ang ating mga kababayan,” sabi ni Zubiri matapos ang pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Quality Affordable Medicine (QAMOC).

Isa aniya sa naging rekomdasyon ng komite ang amiyendahan ang Republic Act 9502 upang matiyak na magkakaroon ng “honest to goodness pricing scheme” sa presyo ng gamot.  

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with