MANILA, Philippines - Si Ambassador Roy Cimatu ang itinalaga kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni Gina Lopez sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa 15th cabinet meeting sa Malacañang na ipinost naman ni Agriculture Sec. Manny Pinol sa kanyang Facebook account.
Kinumpirma naman ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na si Amb. Cimatu ang bagong DENR secretary kapalit ni Lopez.
Magugunita na hindi nakapasa si Lopez sa confirmation nito sa Commission on Appointments (CA) kamakailan kaya naghanap ang Pangulo ng magiging kapalit nito dahil hindi na niya ito puwedeng ire-appoint.
Magugunita na naunang inihayag ni Duterte na bibigyan niya ng cabinet post si Cimatu na nagsilbi bilang special envoy to Middle East at naging AFP chief of staff.