4 drug suspects inutas

MANILA, Philippines -  Pinasok sa kanilang mga bahay ang isang mag-asawa at isang magbayaw ng nasa 20 lalaki na pawang naka-bonnet at sila ay pinagbabaril naganap kamakalawa ng gabi sa San Juan City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang pasukin ng 20 suspects ang bahay ng  mag-asawang Nicholas Evan Pinili, 48, at Mercedes Pinili, 48, kapwa residente ng #1 Dr. B. Barangay Progreso, San Juan City at kaagad na sila ay pinagbabaril.

Makalipas ang limang minuto ang magbayaw na sina  Anthony Zamora, 37, at Jonathan Yamba, nasa hustong gulang, kapwa residente ng 112 D. Morales Street, Barangay Salapan, San Juan City ang isinunod na pinasok at pinagbabaril.

Nabatid na ang mag-asawang Pinili ay kapwa umano drug ­users, na sumuko sa Oplan Tokhang, habang ang magbayaw naman na Zamora at Yamba, ay mga drug surrenderee.

Malakas naman ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa illegal na droga ang pagpatay sa mga biktima.

Show comments