^

Police Metro

Du30: ‘Special Plate’, ‘wang-wang’ bawal na

Rudy Andal - Pang-masa
Du30: âSpecial Plateâ, âwang-wangâ bawal na
Special Plate.
AP Photo/Bullit Marquez

MANILA, Philippines - Naglabas ng kautusan kamakalawa ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipinagbabawal sa kanyang mga gabinete ang paggamit ng “special plate” gayundin ang paggamit ng “wang wang”.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang kautusan sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Labor Day sa Peoples Park sa Davao City.

Ayaw umano ng Pa­ngulo na magkaroon ng espesyal na pagtrato sa mga taong gobyerno lalo sa pagpapatupad ng batas-trapiko sa lansangan.

Ang plakang numero 1 ay para sa President habang plate number 2 ay nakalaan para sa bise president; number 3 sa senate president; number 4 sa house speaker; number 5 sa chief justice ng supreme court, number 6 sa cabinet secretaries, number 7 sa mga senador at number 8 ay para naman sa mga kongresista.

Samantala, hindi naman niya maaaring pagbawalan ang ibang matataas na opis­yal ng pamahalaan dahil hindi na ito saklaw ng exe­cutive department.

Bukod sa paggamit ng special plate, ayaw ding mababalitaan ni Duterte ang miyembro ng kanyang gabinete na gumagamit ng ‘wang-wang’ upang hindi ito maabala sa lansangan.

Ipinaliwanag ng Pa­ngulo, siya mismo ay hindi gumagamit ng ‘wang-wang’ dahil sa nakakaabala ito sa ibang motorista sa lansa­ngan na animo’y siga sa kalsada ang dumadaan.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with