PNP: Labor Day rally generally peaceful

pagIba’t ibang grupo ng militante ang nagsagawa ng pagtitipon sa tulay ng Mendiola upang kondenahin ang patuloy na contractualization sa ilalim ng DOLE D.O. 174 sa pagdiriwang kahapon ng Labor Day.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines - Sa isinagawang monitoring ng PNP Operations Center ay generally peaceful ang overall assessment ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa kaugnay ng mga kilos protesta na inilunsad  ng mga demonstrador sa iba’t ibang bahagi ng bansa  sa paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon.

“We likewise congratulate the different labor organizations that held peaceful and orderly mass actions today. They truly represent the highly-skilled and law-abiding Filipino labor force that is the source our national pride,” giit pa ng Chief PNP.

Kahapon ay sinalubong ng kaliwa’t kanang kilos protesta ang  paggunita sa  Labor Day kabilang na sa Metro Manila.

Sa Camp Crame, aabot sa 100 raliyista mula sa hanay ng mga maralitang magsasaka ang sumugod sa Gate 2 sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue na kinondena ang kawalan umano ng proteksyon ng PNP para makuha nila ang pribadong lupain na ini-award ng Department of Agrarian Reform (DAR).

 Ayon sa mga demons­trador na pinangunahan ng grupong Madaum Agrarian Reform Beneficiaries mula sa Southern Mindanao  sa kabila na nagtungo sila sa nasabing ari-arian matapos na bigyan ng go signal ni DAR Secretary Rafael Mariano ay hinarang sila ng  pribadong may-ari nito.

Ayon sa grupo ng mga magsasaka, kinokondena nila ang kawalan ng aksyon ng PNP na bigyang proteksyon umano ang kanilang hanay laban sa pangha-harass umano ng Lapanday Food  Corporation sa Tagum City, Davao del Norte.

Mapayapa namang lumisan sa Gate 2 ng Camp Crame ang nasabing mga raliyista  na hinarang ng anti-riot policemen. 

Show comments