Clemency kay MJ Veloso, hindi isinantabi ni Widodo
MANILA, Philippines - Bukas si Indonesian President Joko Widodo kaugnay sa hiling na clemency sa Pinay worker na si Mary Jane Veloso na nasa death row, gayunman nakadepende umano ito sa Indonesian law at paigtingin ng korte.
Ito ang sinabi ni President Widodo sa interview ng ANC, kaugnay sa kaso ni Veloso na sinasabing posibleng isa sa agenda sa sandaling magkausap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang state visit sa Pilipinas ngayon (Biyernes).
“I respect the prevailing laws and regulations in Indonesia. Same thing goes for Mary Jane Veloso’s case,” wika pa ni President Widodo sa ANC headstart.
“Indonesia respects the rights of Mary Jane and I know, Mary Jane is also facing cases in the Philippines. Therefore, the cooperation between the governments of the Indonesia and the Philippines is very important in resolving this issue,” dagdag pa ni Widodo.
Magugunita na kamakalawa na sumugod sa Malacañang ang ina ni Mary Jane na si Celia Veloso kasama ang ibang magulang ng OFW na nasa death row din sa Middle East upang umapela kay Pangulong Duterte na tulungan na makakuha ng clemency ang kanilang mga anak na nasa death row.
“Ako po’y nananawagan sa ating mahal na Pangulo, sana po kausapin nya po ang Presidente ng Indonesia, na sana mahintay niya pong matapos ‘yung paghe-hearing namin. At nakikiusap din po ako sa kanya na sana tulungan nya rin po si Mary Jane at alamin niya ang buong katotohanan, at sana matulungan niya pong makalaya na si Mary Jane,” wika pa ni Mrs. Veloso.
- Latest