^

Police Metro

NGCP tower sa Muntinlupa bumagsak sa sunog

Lordeth Bonilla - Pang-masa
NGCP tower sa Muntinlupa bumagsak sa sunog
Sinusuri ng mga trabahador ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang bumagsak na electricity tower matapos masunog ang mga barung-barong na nasa ilalim nito kahapon sa Muntinlupa City. Miguel De Guzman

MANILA, Philippines - Bumagsak ang tower transmission ng National Grid Corporation of the Philippines (NGP) matapos lumambot ang bakal nito sa naganap na sunog sa ilang barung-barong kung saan ito nakatayo sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Nagdulot din ito ng trapik sa mga motoristang bumabagtas sa South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Tess Navarro, chief ng Public Information Office (PIO) ng Muntinlupa City Hall, alas-8:48 ng umaga nang masunog ang ilang barung-barong  malapit sa Alabang Viaduct Exit ng SLEX, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

Dahil sa sunog ay napinsala ang isang transmission tower ng NGCP (Biñan-Muntinlupa 230k volt line), na nakatayo sa bandang Northbound ng naturang lugar.

Humina  ang pundasyon nito dahilan upang matumba ito at bandang alas-9:15 ng umaga nang dumating ang mga personnel ng NGCP para magsagawa ng inspection at i-check ang  safety perimeter nito.

Tinatayang nasa 80 pamilya ang nawalan ng matitirhan kung kaya’t  magkakaloob ng financial assistance ang tanggapan ang local ng pamahalaan.

NGP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with