Big time drug peddler tiklo, P1.3 M shabu nakumpiska
MANILA, Philippines - Aabot sa P1.3 M halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya matapos masakote ang isang big time drug peddler sa buy bust operation sa Zone 1, Brgy. Katipunan, Villanueva, Misamis Oriental nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Chief Supt. Agripino Javier, Director ng Police Regional Office (PRO) 10 ang nasakoteng suspek na si Jade Rocero, itinuturing na nasa high value target sa drug list ng pulisya.
Bandang alas-5:30 ng hapon, ayon kay Javier nang magsagawa ng buy bust operation ang kaniyang mga tauhan sa pamumuno ni Chief Inspector Ariel Philip Pontillas sa nasabing lugar.
Ang suspek ay nakipag-deal sa poseur buyer ng pulisya na dinampot sa aktong iniaabot ang ilang piraso ng plastic sachet ng shabu.
Nang kapkapan at tingnan ang gamit ng suspek ay nakuha sa bag nito ang kabuuang 20 piraso ng malalaking cellophane na naglalaman ng kabuuang 120 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3M.
Narekober rin mula rito ang isang cal. 45 Norinco, dalawang piraso ng steel magazine, 24 piraso ng bala ng cal. 45 pistol at ang motorsiklo nitong kulay itim na XRM na walang plaka na gamit ng suspek sa kaniyang illegal na transaksyon.
- Latest