MANILA, Philippines - Isang lider ng bandidong Abu Sayyaf Group at pitong miyembro nito ang naaresto sa isang operations sa Western Mindanao.
Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang masakote ng Joint Task Force Zamboanga at Zamboanga City Police sa pier ang isang miyembro ng ASG na si Amilton Tammang alyas Nonoy/Dondon na nahaharap sa kasong murder at frustrated murder matapos na ireport ng isang concerned citizens.
Sa follow-up operations ay nasakote ang pito pa sa Brgy. Capual, Omar, Sulu na si Saudi Hamja habang ang mga tauhan naman na sina Pau Kahil Hamja; pawang may kasong murder at frustrated murder; Adzmar Omar, Amil Mangcabong at Ayob Mangabong, may kaso namang arson; Jairani Ajirani at Sali Adyhar; pawang nahaharap naman sa kasong illegal possession of firearms.