^

Police Metro

Militar vs NPA:12 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labindalawang katao ang nasawi sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar at komunistang grupo kamakalawa sa bayan ng General Nakar, Quezon, isang araw bago hinihintay ng rebeldeng grupo ang pagdedeklara ng tigil-putukan ng pamahalaan.

Sinabi ni Armed For­ces spokesperson Major Gen. Restituto Padilla na nasa mahigit kumulang na  30 New People’s Army (NPA) fighters mula sa Narciso Antazo Aramil Command ang naka-engkuwentro ng 80th Infantry Batallion, Sitio Pahimuan, Barangay Lumutan dakong alas-2:00 ng hapon.

Ayon kay Padilla na dalawang sundalo ang nasawi at mahigit sa dalawa ang nasugatan habang 10 NPA fighters kabilang ang 2 babae ang napatay sa mahigit dalawang oras na bakbakan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol operations ang tropa ng militar nang masabat ang grupo ng mga rebelde na nangongotong sa komunidad ng mga sibilyan  na nauwi sa bakbakan at tumagal ang palitan ng putok hanggang alas-4:30 ng hapon.

Ang mga sugatang sundalo ay nadala na sa Armed Forces of the Phi­lippines Medical Center, Quezon City.

Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga nagsisitakas na NPA fighters.

Magugunita na bu­mag­sak ang peace negotiations noong Pebrero nang tukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga terorista ang mga NPA.

Inutusan din ni Du­terte ang government panel na umalis na sa negotiating table matapos na maraming sundalo ang brutal na pinatay ng mga NPA noong nakaraang buwan.

Hinala ni Padilla na hindi na kontrolado ng mga lider ng komunista ang kanilang mga ground troops na kinabibilangan ng mga kabataan.

Siniguro rin ni Padilla na magpapatuloy ang militar na tugisin ang mga rebelde kahit may ceasefire o wala.

RESTITUTO PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with