^

Police Metro

379 kaso ng death under investigation, nalutas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umaabot sa 379 kaso ng Death Under Investigation (DUI) na itinuturing ng mga kritiko na extra judicial killings ang naresolba ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa kabila naman ng mataas na mga insidente ng DUI’s sinabi ni Albayalde na nararamdaman ng mga Pinoy sa Metro Manila na ligtas sila dahilan sa pi­naigting na police visibility operations  lalo na sa mga lugar na pinamumugaran ng masasamang ­elemento.

“Marami na po tayo nalutas dun sa mga sinasabing EJK or DUI  dito sa Metro Manila”, ani Albayalde  simula ng ilunsad ang pinaigting na giyera kontra droga.

Ayon kay Albayalde,  nangangahulugan ito na karamihan sa mga kaso ay naisampa na sa korte at natukoy na ang mga suspek. Sinabi pa nito na kabilang dito ay ang mga drug personality na napatay ng NCRPO operatives sa lehitimong shootout at ang iba naman bagaman natukoy ay patuloy na pinaghahanap matapos na magsipagtago sa batas.

Lumilitaw din sa im­bestigasyon na karamihan sa mga  kaso ng DUI ay  mga kriminal na pinaslang sa kani-kanilang mga barangay  na natukoy na mga   sangkot sa pagtutulak ng droga, robbery/holdup at iba pang uri ng  illegal na aktibidades.

DEATH UNDER INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with