MANILA, Philippines - Upang mapigilan ang mga krimen at katiwalian sa gobyerno ay nilagyan ng local na pamahalaan ng Dasmariñas City, Cavite ang mga pangunahing lansangan at tanggapan ang mahigit 100 CCTV.
Ito ang inihayag ni Dasmariñas Rep. Jenny Barzaga na ang 80 CCTV ang nakalagay sa bawat tanggapan, loob at labas ng city hall maliban lang sa mga banyo habang 101 CCTV naman ang inilagay sa mga kalsada.
Bukod dito ay namahagi din ang kongresista at mister na si Mayor Pidi Barzaga ng 1,500 handheld two-way radios sa mga pulis at barangay gayundin ang modernong patrol vehicle na Starex Vans na equipped ng sari-sariling tracking device at CCTV na kayang i-zoom ng hanggang 150 metro at kayang mag- 360 degree turn.
Ang mga nakuha ng CCTV ay mapapanood ng live sa kanilang cable channel kaya’t agad na mahuhuli ang mga tamad na opisyal at mga kriminal.
Ang mga kuha mula sa CCTV camera kaya bukod sa mga kriminal na agad mahuhuli ay mabibisto din ang mga tamad na empleyado ng Cityhall at mga barangay kapitan at mga kagawad.
Naging guest of honor naman sa paglulunsad ng proyekto si Sen. Panfilo Lacson at Gov. Boying Remulla at inamin na namangha sila sa makabuluhang proyekto ng lungsod.
Para naman kay Mayor Barzaga dapat na tutukan ang peace and order ng isang lugar dahil tiyak na ang kasunod umano nito ay kaunlaran.