Cayetano mas kailangan sa Senado – Duterte
MANILA, Philippines - Hindi itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Alan Peter Cayetano sa Department of Foreign Affairs taliwas sa mga lumutang na ulat dahil mas kailangan ito sa Senado.
Ayon sa Pangulo, bagaman at magaling si Cayetano, hindi pa nila napapag-usapan ni Cayetano ang posibilidad na maging kalihim ito ng DFA.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi dapat pakawalan ng Senado si Cayetano, samantalang puwede namang “acting” lamang ang maging kapasidad ng uupo sa DFA matapos hindi makumpirma si dating DFA Secretary Perfecto Yasay Jr.
Nangako naman si Cayetano na ipagpapatuloy niya ang pagsuporta sa administrasyong Duterte bilang isang miyembro ng Senado o kaya ay miyembro ng Gabinete.
- Latest