^

Police Metro

Digong tutol sa abortion, aprub sa condom

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t tutol sa abortion ay suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang family planning upang maiwasan ang unwanted pregnancies.

Binigyang-diin ng Pangulo kamakalawa ng gabi dito sa Baguio City na upang maiwasan ang unwanted pregnancies sa kababaihan ay suportado niya ang pamamahagi ng condom sa mga public schools.

“I hate abortion. Hindi talaga p’wede iyan. It becomes an incongruity na patayin mo ang bata sa loob. You have to prevent pregnancy.  Do not favor (abortions). I hate it. But family planning, yes, prevention of pregnancy. But killing of the fetus inside, mahirap iyan, walang laban iyong ano--kaya mabuti talaga na liberal na lang tayo pati mga estudyante. Bigyan mo na lang ng condoms and pills,” paliwanag pa ng Pangulo.

Aniya, hindi mo maaaring pigilan ang pag-iinit ng katawan para sa sex kaya mas mainam na maging libe­rated tayo pagdating dito.

“Hindi iyan madala ng kalendaryo-kalendaryo. You cannot postpone your libido next week. Paano ba naman i-schedule ang libog mo? You must be stupid, really. Think about it... Ano ito klase, may bagyo, may postponement?” dagdag pa ni Duterte.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with